Tuesday, September 11, 2007

redundancy department of redundancy


alam mo yung feeling na parang nangyari na ang isang bagay?
'yung tipong "...ito na naman...!?"
hindi ba amfness yung ganun.
parang pinaglalaruan ka ng isang mamang nasa likod ng techpen at nagdodrowing sa likod ng math notebook ng tadhana.
kung anu ang i-drowing niya e ala kang magagawa dahil kapag pumalag ka e buburahin ka niya.
sarap sabihin sa mamang iyon...

"DEMET KA! GANDAHAN MO NAMAN ANG TRIP MO!"

pero syempre hindi mo talaga pwedeng gawin yun kasi magmumukha kang tanga sa mata ng iba.
ang pwede mo na lang gawin ay ang sumangayon at maging sunud-sunuran sa daloy ng pagkaka-ayos ng grid lines ng kwadernong nakakainis (i.e. math notebook...nagbabasa ka ba!?)

pero anu nga ba ang dapat gawin para maging masaya ang kalokohang buhay na sinusunod natin?

...mabuhay bilang isang tuliro't hilo?
...magpakasira-ulo sa mga gawaing animo'y walang kabuluhan?
...mag-inarte sa kalsada habang nag-yoyosi at magmuni-muni over someone or something impossible? (hmm...)
...pagtawanan ang lahat ng kaguluhan sa buhay sa harap ng lahat ng katalsik laway mo at umiyak na lang sa bahay kapag ang lahat ng kadaupang-palad mo ay tumalikod na at kapwa nagmumuk-mok sa kani-kanilang bahay-aliwan...este...bahay?
...or none of the above?

ikaw?
anu sa tingin mo ang dapat gawin?

ako kasi parang ginawa ko na ang lahat para maka-alpas sa lintek na bolpen of destiny na yan eh.
pero parang ipinagdidildilan niya na ikaw ay maging ganito...maging ganyan...
kailangan ganito ka sa kanila.
kailangan maging ganito ka sa kanya.
kailangan ganito ang gawin mo para maging ganito kayo.

amfness...amf-mode...amf...amf...amf...

pero in fairness...minsan...pag nasa tama akong ulirat eh astig ang ganitong set up.
yung sobrang magpapakasasa ka sa same, old, boring routines para 'pag may bago e you will cherish that change in you.
at pag nagsawa ka ulet sa change na yun eh may darating ule na bago ang the cycle repeats itself...

...i guess that's life...

though it hurts...
though it sucks...
though it's tough...

...that's life...

sana nga lang eh matapos na ang dapat matapos para pag tapos na eh tapos na rin ang pag-iisip, ang paghahaka-haka, pagdaramdam, paglalaway, pagkakamot at pagpapakaplastik...
and when that day comes...

...heaven...

daig niya ang lahat ng heaven na nararamdamang heaven-heaven-an ng iba.
ang heaven-heaven-an na nakukuha daw sa weekly-ing pagniniig...
ang heaven-heaven-an na nakukuha daw sa yosi at inom...
ang heaven-heaven-an na nakukuha daw sa kung kanino man...

i think heaven is being free...
free from the mapanuring standards ng madlang punyemas makapagdeklara ng katotohanan ay parang sila na at sila lang ang magaling...

kung heaven na nga sila e good for them...
if not....may you find your truths and be stranded in that heaven forever...

...as for me...my heaven is yet to come...
...let de ja vu be unto me until such heaven comes...
...may it be not that long...because the cycle is getting into my nerves...

...peste...

3 comments:

ninong said...

sabi nga ni anonymous, "you are a very redundant person, that's the kind of person you are..."

haha.

mobius strip! :D

sabi nga ni ate yunisee, "the more things change, the more they stay the same."

sabi naman ng beegees, "nobody gets too much heaven no more, it's much harder to come by, I'm wating in line..."

"the ability to quote is a serviceable substitute for wit." >_<

beshan said...

nalunod ako sa mga wise words of the anonymous person...
i'll try to keep those things in mind...
may your quoting powers continue to flourish the world of the needy...

ambersoul said...

de ja vu ba ito? redundancy is a crime considering the work we handle. but i guess blog posts are exempted for exemption. wahahaha!