Friday, September 7, 2007

saan nagkamali


ang bawat isa sa atin ay nagkamali nang minsan. mula sa buhay, larangan na napili, pag-ibig, pamilya, kaibigan at marami pang iba. kung tutuusin pa nga ay parang kung ilan ang tama na nagawa natin sa tanang buhay natin ay doble naman ang pagkakamali.

pero bakit nga ba? kasalanan nga ba naitn yun? ng iba? ng mga bagay na hindi maiiwasan?

saan naman kaya tayu nagkakamali? kung anung kursong kukunin? kung anong daan ang tatahakin? kung sinong iibigin? kung sinong kaibigan ang pipiliin? kung sinong magulang ang pipiliin? kung sinong pakikisamahan? kung sinong babarubalin?

may isang lalaki. katamtaman ang laki. katamtaman ang kulay. nasa tamang edad. nasa tamang pag-iisip...ngunit wala sa luagr. PU@$*NG IN* sa umaga. PU@$*NG IN* sa tanghali. PU@$*NG IN* sa gabi.

"sa susunod kasi magluto ka ng ulam ng maaga, gago!"

"wag kang magulo! istorbo ka e!"
"ARAY! PU@$*NG IN* naman o!"

"SUS! shut up!"


iyan ang mga kataga ng lalaki, mula daw sa puso, paglalamibing at natural niyang damdamin, para kanyang pinakamamahal na...ina...

may isang lalaki. malaki ang pangangatawan. simple. walang kyeme. matalino. hindi naman kapangitan, kung tutuusin. ngunit duwag. masyadong matalino. dumating na ang rosas. dumating na ang tulip. dumating na ang lahat ng uri ng bulaklak. tahimik. utak. kimkim. walang imik. sumipa. tahimik.

"pano kung sabihin ko na gusto kita?"
"ok, i'm flattered..."

"mahal ko na siya, p're!"
"kung ako lang eh ayoko na ng first time. nakakadala e...pagnakakita ng iba, iiwan lang ako"

"alam mo ba minsan nagpapalano nga ako ng malupet na date eh."
"pramis mo yun ah, kaw talaga...nakalimutan mo na...sorry na kung nagtampo ka..."

"'pre, may gusto ako sa isang tao"
"75% ang chance na kilala ko kung sino yan..."
"ano kaya ang magandang gawin?"

salitang walang patutunguhan...o siya nga ba? may upos pa bang naiwan na maaari pang magningas? o tuluyan nang nanguluntoy at namatay sa agos ng panahon?

may isang lalaki. nakatingin sa salamin. hilo. lito. may hawak na patalim. mahaba. purol. kinakalawang. pamatay. lumuha ang lalaki. nalaglag ang patalim. lumuhod ang lalaki. tinulak ang salamin. bumagsak. basag. kumalat. kaguluhuan. dugo.

"saan ba kasi ako lulugar?"
"isip ka kasi ng isip eh. PUCHA!"
"kahit saan pwede ako."

"they will remember this as THE day...babalikan ito ng lahat. ikaw at ang likha mo ang gugunitain nila"

"i can't wait...kailan ka kaya?"
"it comes when it comes."

"ang hirap ng ganito."
"isipin mo na lang na ang buhay mo ang parang pelikula. boring naman kung walang pampakulay. corny kung straight forward."

"pumasok na ba sa isip ko ang sumuko?"

"hmm...dati nung bata...nung mas magulo pa buhay ko..."

"e ngayon?"

"hmm...hindi ko alam...'wag andami ko pang gustong gawin eh"

"talaga?"

"oo naman"

"good luck. may matapos ka kaya?"

"sana..."

"i doubt."

"kaya yan..."

"ganyan nanaman..."

"anung gusto mong gawin ko?"

"plan. know what you really want. act on it. stupid!"

3 comments:

the purple pyrolyptic princess said...

intriguing...












and mind-boggling

ninong said...

crispin! basilio!

nawala ako. haha. nabaon sa pagkamatalinghaga.

iba talga pag nananalo sa docu fest. hehe.

beshan said...

beshan@ninong: nahawa lang ako sa kagalingan ng isang blog-entry winner...wahahaha!!!

beshan@tessa: bakit nakaka-intriga? and mind-boggling? ahehe...