Sunday, October 21, 2007

hind ko kayo tatantanan


anu nga ba ang dapat na paguugali ng isang tao?

dapat bang maging mabait?
dapat bang maging totoo?
dapat bang maging santo?

anu ba ang maging mabait?
'yung oo na lang ng oo sa lahat ng ibabato sayu?
'yung kahit nakakainis na at sobrang nakakapangkulo na ng dugo e parang wala lang sa tuwing ipapakita mo ang ikinikilos mo?
'yung maging plastic for the sake of harmony? for the sake of a crumbling relationship?

anu ba ang maging totoo?
totoo in a sense na alam mo ang tama at yun ang ginagawa mo?
totoo in a sense na kahit alam mo na mali ang iba e ipapaliwanag mo sa kanya ang kanyang pagkakamali? o mananahimik ka na lang?
totoo in a sense na ok lang ang lahat kapag biruan pero nagkikimkim ka ng sama ng loob pag trabaho na ang usapan?

anu ba ang maging santo?
parang si judy ann santos na kahit nginungudngod na ang mukha sa batsa ng maduming labada e parang nagpapa-feysyal lang kay vicki belo at ok na ang lahat?
parang kahit ikaw na ang pinaka maskulado sa balat ng mundo at buhat mo na ang daigdig e ngiti ka lang at ikakatwiran mo pa sa lahat na "para ma-experience ko lang..."
parang kahit na taguan na ang eksena sa hirap ng buhay e ikaw na lang ng ikaw ang nagtatrabaho at pinagtatawanan ka lang ng mga lintek na magagaling?


NO! NO! NO!

SHAME! SHAME! SHAME!


...i don't think so...

so let me introduce to you myself...

ahem...


ako kasi ang isang tao na confrontational.
hindi ako nakikipagsapakan on the spot.
mukha akong bouncer pero tamed naman ako within.
kapag may problema ako sayo e i'd be more than willing to find a way to talk to you.
perhaps matagal bago ko magawa.
perhaps malilimutan ko na yung problema sa sobrang tagal.
pero if i found a chance to talk to you and i did, ok na ako dun.
ok na tayo...dapat...
ok in a sense na naintindihan mo ang problema ko at naintindihan ko ang problema mo at nagkasundo na tayo ng buong puso.
but for whatever reason e hindi pa rin tayu ok...
e mas malaking problema yun.
ika nga ni mike enriquez e hindi kita tatantanan.
talagang hindi kita tatantanan
yes...
i may look lyk a complete idiot at some time.
lewd most of the time.
nonsense almost every time.
pero when worse comes to worst.
when problems come in and devour my environment.
'wag ka...
malulunod ka sa akin.
magbabago ang pananaw mo sa akin at sinasabi ko sayo e makikinig ka talaga sa akin.
uulitin ko...
at pag hindi ka nakinig, babalikan kita hangga't hindi mo ako naiintindihan...
ipaiintindi ko sayo ang problema ko...
kung ako mali...
ok lang...at least natuto ako.
ok lang sa akin na mapahiya as long as natututo ako.
pero siguraduhin mo lang na may sense ka kung hindi...
makakatikim ka sa mga prinsipyo ko...


so dat's me when it comes to such issues.

may nakakarelate ba o talagang weird lang ang disposisyon ko sa buhay?

gusto ko sanang isa-isahin ang lahat ng mga tao sa paligid ko na nakapagpalitan ko na ng kurukuro kaso baka tawagan ako ng kumare ni ninong na si kumareng JK Rowling para i-publish ang nobelang magawa ko.

but due to insistent personal and psychological demands...
i-isa-isahin ko ang lahat ng mga taong ito hanggat makakaya ko...(blind item please...)

-nakatunggali ko na siya nuon. i made it to a point na makausap ko siya. i really don't know kung nagkaintindihan kami nuon o lalu lang kaming nag-away pero as of now e i really appreciate his outrageous honesty. perhaps because of that confrontation e ok n kami ngayun as compared before.

-second confrontation. very shallow. very silent. dahil lang sa isang trabahong unfortunately e napagitnaan ko. just a tap at the shoulder and i think ok na....sana...

-triple kill...mas mababaw. biruan na nauwi sa personal issues. need i explain more. basta as of press time e weird pa ang lahat and ika nga ni hermione granger e "i've got loads to tell you," nagkausap man kami before pero i didn't feel the sincerity of it. isang opportunity lang talaga ang ibigay sa akin e you will most definitely feel my words.

-sayang ka iha...i had my highest regards for you before. i even tried to defend you. but due to certain events e everything went crashing down. pakuswelo de bobo e nakausap na kita. usapan na maituturing ko na isa sa pinakamatinung conversation sa talangbuhay ko sa kolehiyo. it truly tested my character and beliefs. however, it just too unfortunate na kailangan pang mauwi sa ganun para lang magkaintindihan tayu. hindi ko alam ang reaksyones mo about such pero i believe we can start fixing the broken foundation. i trust you naman in that regards.


...i think those mentioned above are enough.
others may be too early to consider...
pwede in the future when they matter in my life.

but as of now
it is much better na ganito ako.
i'm happy this way.
i hope they are happy the way they are.



PS: sa mga taong malapit sa akin sa mundong ginagalawan ko ngayon e nawa'y maging matatag tayo sa pagsubok ng buhay at muli nating itaguyod ang mundong unti-unti nang nababalutan ng kung anu mang lecheng kadugyutan...siya nawa...

2 comments:

the purple pyrolyptic princess said...

BULL SESSION!!




COMING THROUGH!!!






pero if you don't mind, i/we (you know who we are) want to know the whole story first.. pLeaSssEee?!?!

The Vampire said...

You're in trouble...